Tuesday, September 20, 2011

Anti-Planking Act of 2011

Kailangang Pilipino ang wika na gagamitin ko dahil baka magamit pa ng kung sino man.

Nakakainis lang na isipin na magiging ganoong kababaw ang ating/aming gobyerno para magpalabas ng ganyang Bill. Hindi ko lang malubos isipin ang possibleng rason para ipasa nila ang bill na iyon. Kung ipinasa man nila, mas bababa lang ang tingin ko sa ating gobyerno. Hindi ko pwedeng isisi kay Noy Noy dahil hindi naman sya ang nagpapatupad nito. Ang kapangyarihan ng presidente ay kaya lang hindi ipasatupad/ipagpatuloy ang isang batas, ito't kung ang pagkakatanda ko ang tawag ay veto power

Kahit na hindi ko kilala si Representative Winston "Winnie" Castelo, bukod sakanyang pangalan. Ngayon palang ay masasabi ko sakanya na ang babaw nyang tao para mapalakihin ang sa una pa man ay katuwaan palang ang pag-plaplanking namin mga kaabataan. 

Inaamin ko na kahit 17 na taong gulang lang ako, hindi pa sapat ang kaalaman ko tungkol sa mga ganyang bagay, pero at least kahit kakaunti ay may alam ako. Alam ko rin na hindi ko din dapat ginawa nag post na ito. Pero gusto ko lang ipahayag ang aking "point of view".  

Alam ko rin na sobrang hindi malinaw ang pagkaka-explain ko.

xx

No comments:

Post a Comment